Miyerkules, Marso 20, 2013

Chapter 2: RELAY!

Ok, so eto naman.
Kahit di ako kasali dito, enjoy parin sa pagchicheer sa mga classmates na nagpakaastig! :D
RELAAAAAAAAAYYYYYYY!

I give the award "Hagod Kung Hagod" Award to this game, at ang MVP ay si Kevin! :))
Ganto kasi yan, may 4 stations yung relay:

 (BAWAL GUMAMIT NG KAMAY!)

1. Ang calamansi station - madali lang naman tong part na to. Kukunin mo lang yung kalamansi sa palanggana gamit yung bibig mo.

2. Ang barya-sa-harina station - eto yung enjoy na part. Hihipan mo yung harina para lumitaw yung piso, tapos kukunin mo gamit yung bibig mo. Tapos, ililipat mo yung piso sa kabilang basin.

Si MVP, ganto yung nangyari. Nakuha nya na yung barya, kasu nalaglag sa lupa. Pag ganun, pwede ng kunin ng kamay. Pero di parin daw e! Ayun, mouth-to-mouth with Mother Earth si Kevin. HAHA. MVP! MVP!

Astig yun kasi nagreact kaming lahat dun e. HAHA. "KEVIN, PAKISS DAW!!"

3. Ang halik-sa-palayok station - may nakasabit na mga palayok. May mga nakadikit na coins sa ilalim ng mga palayok na kailangan ulit kunin gamit ang bibig. Ang twist ay may uling sa ilalim ng pot, kaya magmumukha kang clown nun, after nito. Galing ka sa harina tapos dito tuloy mo e no? HAHA.

4. Ang isipol-mo-ang-putoseko-ko station - papakainin kayo ng puto seko, tapos sisipol kayo. Kala nyo madali? Hindi a, kasi yung puto seko didikit yun sa bibig mo, kaya mahihirapan kang magpatunog ng sipol nun.

So ayun, di man nanalo ang YELLOW team sa larong iyon, enjoy parin dahil sa mga highlights ng mga classmates namin. HAHA.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento