Itong larong to yun e, yung nagpakita na wag kayong gender bias sa mga babae! Hirap nilang sabayan dito e. HAHA.
Ganto kasi yan, may 5 groups. Tapos nakatayo kayo lahat outside ng isang square, na may ball of paper sa loob. Every member ng group ay merong naka-assign na number, so pag tinawag yung number na yun, lahat kayo magaagawan sa bola. Kung sino yung makapagpalabas ng bola sa square (last-touch!), yung group niya yung may score.
Ang awkward part e, kapag yung mga katapat mo lahat babae, tapos ikaw lang yung lalaki dun. Sila tagalagang laban kung laban e, ako, iwas na lang baka iba pa mahawakan. :))
Mahirap sya, kasi pag nagkita-kita kayo sa gitna, laban talaga. Medyo mahirap din palabasin yung bola kasi:
1. Bawal gumamit ng kamay at braso.
2. Bawal sumipa (baka kasi may tamaan)
Kaya ayun, effort yung pagpapabalabas sa bola na yun HAHA.
Pinakabrutal na laro ever? Close enough.
MVP? Yung girls! IMBA sila e. Wala kaming laban. HAHA.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento