Okay, so ito ang kwento:
Lunes noon. 7 daw yung simula ng InterClass namin. 8 na nun.. NASA NLEX PALANG AKO!? XD
Ayun, panic-panic din. Badtrip kasi si alarm e. Lagi na lang talaga. Tsktsk.
Mga 8:30, YES! Nasa may gym na ko nun... Tapos parang walang tao..
Hintay-hintay din..
Tapos nagtanong na ko sa guard..
Aaaaah.. So nasa track oval pala sila.. Ayooos.
Ayun, lakad-lakad din.haha.
AT SA WAKAS!
Nakarating din ng oval. Naabutan ko pa nun ung culliot or tag-of-war. E next game na daw yung SAMBUNOT. Sabi, madugo daw yun e.haha. Eeeh gusto ko namang maglaro, so ayun. Muntik na ngang hindi e, naka-pants kasi ako. Buti na lang may extrang shorts si Mica. Sexy ko tuloy. Wit-wew. Haha.
Ok, so on to the games!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento